KORONADAL CITY — ISINUSULONG ngayon sa Sangguniang Panlungsod o SP Koronadal ang pag-develop ng Elgawel Eco-Cultural Tourism Site upang maging isang tourist spot na maaaring bisitahin sa lungsod.
Sa resolution na isinusulong ni City Councilor Antonio Abing, Chairman ng Committee on Tourism, humihingi ito ng financial assistance na P30 million kay Senator Nancy Binay, Chairperson ng Committee on Tourism sa Senado para sa nasabing plano.
Isa sa mga napag-usapan sa regular session kaugnay sa naturang resolusyon, ay ang mga advantages at disadvantages gayundin ang kaugnay sa kalikasan na maaaring maapektuhan.
Samantala, malaki umano ang maitutulong nito para sa mga tribo na nasa naturang lugar dahil magiging tulong ito para sa dagdag na pangkabuhayan.
Suportado naman umano ng mga kawani ng SP ang naturang resolusyon para sa ikabubuti ng turismo ng Koronadal.
