CAMARINES NORTE- Isasagawa sa buwan ng Hulyo ang eleksyon sa pagka Board of Director ng Camarines Norte Electric Cooperative sa apat na distrito.
Batay sa anunsiyo ng Canoreco magkakaroon ng Election sa District 1 Basud sa July 2, District II Daet North sa July 9, District IV Labo sa July 16 at District IX sa Sta Elena sa July 23.
Ang cut- off date ng pagsusumite ng Certificate of Candidadcy ay sa June 17 para sa Basud, June 24 para sa Daet North, July 1 sa Labo at July 28 sa Sta Elena.
Ang mga nagnanais na tumakbo para sa eleksyon ay dapat matugununan ang mga kwalipikasyong nakapaloob sa Republic Act No 10531 o mas kilala bilang National. Electrification Administration Reform Act of 2013 gayundin sa mga umiiral na circular ng Department of Energy.
Ang listahan ng mga qualifications at requirements para sa mga kandidato ay naka post sa official facebook page ng Canoreco gayundin ang mga dapat taglayin ng qualified voters.
Hindi pinahihintulutan ang “proxy voting” sa mga gaganaping eleksyon.
Tanging ang mga nakarehistro lamang sa masterlist of voters ang maaaring makaboto.
