Eleazar nagpaliwanag kung bakit di nagastos ang NTF-ELCAC fund noong 2020

Nagpaliwanag si Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar kung bakit hindi masyadong nagastos ang pondo ng NTF-ELCAC noong nakaraang taon.

Sa kanyang video message nilinaw ni Eleazar na hindi kapabayaan at hindi katiwalian ang rason kung bakit hindi nagamit ang naturang pondo.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Paliwanag ng PNP chief, dahil umano sa pandemya ay naibigay lamang sa pambansang pulisya ang kabuo-ang P723-million noong Otubre ng 2020.

Batay umano sa umiiral na batas ay hindi nila pwede gastusin ang pondo sa sumunod na dalawang buwan.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Kasabay nito sinabi ni Eleazar na pwede pa naman magamit ang naturang pondo bago matapos ang 2021.

Makakaasa din umano ang lahat na wala ni isang sentimo nito ang mapupunta sa kurapsiyon.