Malungkot na ibinahagi ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na pansamantala muna siyang hihinto sa mga aktibidad at pagsabak sa mga kompetisyon ngayong taon.

Ayon kay Obiena kailangan niyang magpahinga para tuluyan ng gumaling mula sa iniinda niyang back pain.
Kasabay nito ay inanunsyo naman ng atleta na hindi na rin matutuloy ang pole vault competition nagaganapin sa Sept. 20.
Pinasalamatan ni Obiena ang mga taong sumusuporta sa kanya at nangakong magbabalik.