LEGAZPI CITY – Kasabay ng pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong buwan ng Nobyembre, nagsagawa naman ng Learning Summit ang EDUCO Philippines sa lungsod ng Legazpi.
Tema nito ang “BATA BIDA KA: Be Involved, Decide and Act, Empowering Children through Active Involvement, Informed Decisions, and Meaningful Actions”.
Ito ay isinagawa sa La Piazza Hotel and Convention Center, Legazpi City, kung saan nagkaroon ng iba’t ibang mga aktibidad tulad ng photo exhibit, presentation of accomplishments and best practices, sharing of experiences, panel discussion, partners’ response, turnover of accomplishments to EDUCO partners at awarding of plaque of appreciation.
Nagsisilbi itong plataporma para sa pagdiriwang ng tagumpay at pagbibigay inspirasyon sa positibong pagbabago para sa mga bata.
Isa sa mga layunin nito ang hikayatin ang mga lokal na punong ehekutibo at mga pinuno ng pamahalaan na bumalangkas ng mga patakaran na nagbibigay ng pinahusay na proteksyon at mga pagkakataon sa pag-unlad para sa mga bata sa ang sektor ng paggawa at marami pang iba.