Hindi umano tsamba ang naitalang paglago sa ekonomiya ng bansa para sa ikatlong kuwarter ng taong 2022.
Ito ang sinabi ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda matapos maitala ng Philippine Statistics Authority ang 7.6 percent na gross domestic product o GDP mula Hulyo hanggang Setyembre ngayong taon.
Sa isang media briefing, sinabi ni Salceda na maituturing na ‘boom-boom economy’ ang naiulat na GDP kung saan nagpapakita aniya ito ng mga senyales na patuloy pang lalakas ang ekonomiya sa kabila ng iba’t-ibang suliranin na kinakaharap ng bansa kagaya ng food crisis at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
Binigyang diin niya na ang naiulat na paglago ng ekonomiya ay totoo at walang mali at nakikita rin niyang magiging sustainbable ito.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Salceda na ang naiulat na 7.6 percent GDP growth na siyang unang GDP report ng Marcos Administration ay patunay na lumalakas ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga bagong hakbang ng pamahalaan.
#
RELATED STORIES:
NEDA, kumpiyansang makakamit ang target na GDP para sa taong 2022
Marcos, inanyayahan ang mga Cambodian business leaders na mag-invest sa Pilipinas
