Easterlies, magdudulot ng mainit na panahon sa PH

Maliban sa monsoon break, inihayag ng Pagasa na ang easterlies ang magdudulot ng mainit at maalinsangang panahon sa buong bansa.

Sa ulat ng weather bureau, lumalabas na ang cloud clusters mula sa silangan, ay nananatiling malinaw.

Sa gitna nito, magdadala rin ang easterlies ng isolated thunderstorms at pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa, lalo na sa hapon o gabi.

Kabilang sa mga apektado ng easterlies ay ang Albay, Catanduanes, Camarines Norte at Camarines Sur sa Bicol Region; Marinduque at Quezon province sa Southern Luzon; at Aurora sa Central Luzon.

Sa Visayas at Mindanao naman, iiral ang maulap na kalangitan na may mataas na tsansa ng pag-ulan sa ilang areas. // MHEL PACIA-TRINIDAD