Tinalo ni Alex Eala ang home bet na si Charlotte Owensby sa pamamagitan ng scores na 6-3, 6-3 na dahilan para umabanse ang Pinay sensation sa Round of 16 ng US Open juniors championships.
Kasalukuyang nasa number 2 seed si Eala, na nakakuha ng first-round bye sa kompetisyon.
Agad naman na-dispatsa ni Eala ang Amerikano nitong katunggali na dahilan para makatapat nito sa third round si Michaela Laki ng Greece.

Nagwagi rin si Laki laban sa isa rin pambato ng US na si Elizabeth Coleman.
Nakalaro ni Eala si Laki kagabi bandang alas-11 dito sa Maynila, kung saan ay papasok sa quarterfinals ang nanalo sa laban
Pagkatapos niyan ay nagharap muli sila Eala at Laki sa girls’ doubles kung saan ay kakampi ng 16-anyos na Pilipina ang pambato ng Belgium na si Hanne Vandewinkel, habang katuwang naman ni Laki si Radka Zelnickova ng Slovakia.