Eala, abanse sa quarterfinals

Matapos ang dikit na laban kontra sa French player na si Jessika Ponchet – muli na namang nagpasiklab ang Filipina tennis ace na si Alex Eala.

Ito ay matapos niyang pataubin si Vitalia Diatchenko ng Russia para sa W80 Poitiers sa France.

Dahil dito, aabanse na si Eala sa quarterfinals.

Makakaharap naman ng Pinay tennis player kung sino ang manalo sa pagitan nina Ana Konjuh ng Croatia, at Xinyu Wang ng China.