E-center services ng SSS nasa Barangay na

CAMARINES NORTE РPinalalakas  ng Social Security System (SSS) ang serbisyo nito sa mga Barangay sa pamamagitan ng paglalagay ng mga e-center.

Sa Press briefing nitong Lunes, April 29, bago ilunsad ang Run After Contribution Evaders o RACE, inihayag ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na mayroon silang focal person na kanilang tinuruan para sa lebel pa lang ng Barangay ay maaari nang kumuha ng SSS number online. Bahagi umano ito ng Kassangga Collect program ng ahensiya na layong i-enroll ang mga Barangay workers tulad ng mga Tanod upang sila din ay makatanggap ng benepisyo.

Ayon pa kay Robredo, nais ng SSS na mapalawak ang coverage at marami ang mai- enroll lalo na ang mga nasa grassroots ng lipunan o ang mga nasa Barangay. Bukod kasi sa Memorandum of Agreement na pinasok ng ahensiya sa mga munisipyo at national offices, ginagawa na rin umano nila ito sa lebel ng Barangay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *