DTI-Zambales nagpaalala sa publiko sa pagbili ng mga Christmas lights

Nagpaalala ang Department of Trade and Industry Zambales sa publiko sa pagbili ng mga Christmas lights ngayong nalalapit na ang kapaskuhan.

Ito ay para maiwasan ang mga sub-standard o mga hindi dumaan sa tamang proseso at walang permiso.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Paalala ni DTI-Zambales Provincial Dir. Enrique Tacbad sa mga mamimili na suriin kung mayroon bang Import Commodity Clearance mark ang Christmas lights kung ito ay imported at Philippine Standard mark naman kung ito ay locally made.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Samantala, nitong nakalipas na araw ay kasama ng DTI ang Regional Enforcement Team sa pag-iikot sa ilang mga establishemento sa Olongapo para i-check kung nakakasunod ba ang mga ito sa Technical Regulations and Fair Trade Laws.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO