DTI Sec Pascual – nakalusot na rin sa Commission on Appointments

Matapos ang makailang-ulit na pagkaka-defer – tuluyan na ring nakalusot sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang ad interim appointment ni Alfredo Pascual bilang Kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ngayong araw, muling sumalang si Pascual sa panel kung saan, inirekumenda na rin ng mga CA members ang kaniyang confirmation.

Read More:  Marcos declines comment on Imee’s no-el claim

Ilan sa mga natanong sa confirmation hearing ay ang mga ginagawang pamamaraan ng DTI para sa pagsirit ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

Bilang tugon – tiniyak ni Pascual na mayroon silang mga measures para malabanan ang mga pinaniniwalaang cartel na pinaniniwalaang nasa likod ng price manipulation at hoarding.

Read More:  Coup rumors denied! Senate President alan cayetano says majority bloc remains solid

Kung maaalala – ilang beses sinuspinde ang deliberation sa confirmation ni Pascual dahil sa isyu ng kanilang attached agency na Philippine Economic Zone Authority (PEZA).

Partikular na rito ang umano’y unlawful termination ng PEZA OIC sa kanilang mga empleyado.
#