DTI, pina-finalize pa ang updated SRPs ng basic goods bago tugunan ang mga hiling na price hike

Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na pina-finalize pa nila ang mga updates sa suggested retail price (SRP) ng mga basic necessities and price commodities (BNPCs), at sinabing hindi nila ito gustong isabay sa nagpapatuloy na pagtaasan sa presyo ng ibang mga produkto.

Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, pinag-aaralan pa ng ahensya ang proper timeline para sa pagpapalabas ng updated SRP, na huling na-modify noong August 2022.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Para sa naturang mga figures, may natitira pa umano silang validation, dahil patuloy pa ang pagpasok ng mga requests.

Dagdag ni Castelo na kabilang sa mga petisyon na kanilang tinitingnan ay ang proposed increases sa presyo ng canned meat, canned sardines, condiments, coffee, processed milk, instant noodles, bread, candles, bath soap, at detergent soap.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Samantala, nakatakda namang ipatawag ni Trade Secretary Alfredo Pascual ang National Price Coordinating Council (NPCC) para tugunan ang mataas na presyo ng ibang commodity gaya ng sibuyas, na mas naging mataas kaysa sa daily wage.