Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI) na maaring tumaas ang presyo sa mga basic necessities at prime commodities sa Enero ng susunod na taon.
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, nasa 50 items ang nakikitang tataas ang kanilang presyo ng hanggang 10%.
Ito ay kinabibilangan ng canned sardines, processed milk (condensed at evaporated), kape, tinapay, instant noodles, condiments (asin, tuyo, suka), detergent soap, bath soap, canned meat, at batteries.
Paliwanag ni Castelo, na ang naturang mga items ay hindi kasama sa suggested retail price bulletin na inilabas ng DTI noong Agusto, na ang proposed increases ay nareview na.

Giit nito, na pinayagan lang ng departamento ang price increases sa 40-50 items para bigyan ang mga consumers ng mas abot kayang choices.
Ito rin umano ay magpipigil sa mga manufacturers na bawasan ang kanilang production o magbawas ng mga empleyado para matugunan ang pagtaas sa presyo ng mga raw materials, na masama rin para sa ekonomiya at sa consumers. //MHEL PACIA