DSWD: walang karagdagang requirements para sa mga assistance programs

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development sa publiko na walang karagdagang requirements na hinihingi ang ahensya para sa mga humihingi ng tulong sa ilalim ng programa na Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sinisiguro nila sa ating mga kababayan na ang AICS at lahat ng programa ng ahensya ay mahigpit sa guidelines at walang karagdagang requirements.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

Ang paglilinaw ay ginawa kasunod ng mga alegasyon na ang programa ay ginagamit bilang isang insentibo kapalit ng mga pirma sa isinasagawang people’s initiative na amyendahan ang 1987 Philippine Constitution.

Dagdag pa ni Gatchalian, hindi sumasali ang ahensya sa patuloy na people’s initiative.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Kaugnay nito, nilinaw naman ng kalihim na ang mga kinakailangang dokumento para sa pag-avail ng cash aid at iba pang uri ng tulong ay valid government ID, at general in-take sheet na ibinigay ng ahensya.

Maaari ding kailanganin ang mga dokumento gaya ng medical record o death certificate, depende sa tulong na hinihingi.