DSWD Region 3 naghatid na ng relief items sa Bangued, Abra

Dumating na kahapon ang apat na delivery trucks ng National Resource and Logistics Management Bureau sa Bangued, Abra.

Ito ay may dalang 6,400 Family Food Packs na nagkakahalaga ng halos tatlong milyong piso mula sa Regional Warehouse ng Department of Social Welfare and Development Region 3.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Ito ay bahagi pa rin ng tulong para sa mga mamamayang naapektuhan ng malakas na lindol nakaraang linggo.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin umanong nakaantabay at nakahanda ang DSWD Central Luzon para sa anumang karagdagang tulong at mga pangangailangan ng mga apektadong Field Offices.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

PHOTO: DSWD Central Luzon