DSWD, nakaalerto na sa pag-aalburoto ng Bulkang Taal at Mayon

Nakaalerto na ang Department of Social Welfare and Development sa pag-aalburoto ng  Taal at Mayon Volcano.

Pinasisiguro ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa mga  Field Offices nito sa Southern Tagalog at Bicol region, na maging alerto sa gitna ng pag-aalburoto ng dalawang bulkan.

Read More:  Sandiganbayan denies Revilla’s request to attend brother’s wake

Dapat aniyang masiguro na may sapat na stockpile ng family food packs at sapat na standby funds sakaling kailanganin nang magsagawa ng relief efforts.

Read More:  Ex-DPWH Chief Bonoan to testify against Martin Romualdez

Nais ni Gatchalian, na gamitin ang mga datos sa nagdaang pagsabog ng mga naturang bulkan sa pagdetermina ng dami ng kinakailangang mahatiran ng tulong. //CA, edited MHEL PACIA