DSWD , naglaan ng P56.50-M quick response fund para sa mga pamilyang naapektuhan ng pagbaha sa VisMin

Naglaan ng P56.50 milyong halaga ng  quick response fund ang Department of Social Welfare and Development m bilang standby funds sa mga field office para sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa Visayas at Mindanao.

Ayon sa DSWD-Disaster Response Operations Monitoring, tinatayang  15,487 na mga pamilya ang apektado sa tatlong rehiyon ng pagbaha mula sa mga pag-ulan dulot ng shear line.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Batay sa ulat ng DSWD noong December 25,  98 barangay ang naapektuhan ng pag-ulan dala ng shear line sa Eastern Visayas, Region X, sa CARAGA. Mahigit kalahati o 55 barangay ang mula sa Rehiyon X.

Tinatayang nasa 15,487 pamilya o 69,323 na mga indibidwal mula sa 98 barangay ang apektado ng nasabing weather disturbance.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Dagdag pa ng DSWD, sa kasalukuyan, 9,409 na pamilya ang nasa evacuation centers, o 45,813 residente sa 34 na evacuation centers sa Region X at CARAGA.

Imihayag ng ahensya na patuloy itong nakikipag-ugnayan sa DSWD Field Offices sa mga apektadong ahensya ng lokal na pamahalaan para sa pamamahagi ng mga family food packs (FFPs) para sa mga apektadong residente.