DSWD Bicol, nagfile ng 16 mga kaso ng falsification of documents ng mga assistance beneficiaries ngayong taon

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Social Welfare and Developement (DSWD) Bicol na mayroon silang na-file na 16 mga kaso ng falsification of documents ngayong taon.

Ayon kay Leo Quintilla, dating Regional Director ng DSWD Bicol, ang mga ito ay nagmula sa iba’t ibang mga lugar sa Bicol Region.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Dagdag pa niya, nalalaman nila na hindi tama ang mga dokumanteng mga sinusumite pagkatapos ng mga interview ng mga social workers.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sa ngayon ay mahigpit na nilang minomonitor ang mga kaganapan lalo na ang mga dokumentong sinusumite ng mga aplikante o benepisyaryo, at kasalukuyan, wala pang mga lumalabas na parehong insidente pagkatapos maifile ang 16 na nasabing kaso.