DAET, CAMARINES NORTE – Dead on Arrival nang dalhin sa pagamutan ang isang lalaking konektado sa iligal na droga at kabilang sa listahan ng High Value Individual (HVI) at Provincial Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs ng PNP sa Camarines Norte
Ang operasyon laban sa suspek ay ikinasa ng pinagsanib pwersa ng mga otoridad, alas dos ng madaling araw nitong Mayo 9, 2021 sa P-3 Brgy Gahonon, Daet Camarines Norte.
Ang suspek ay kinilalang si MENANDRO ARIATE aka “DODOY”, residente ng P-3, Barangay Gahonon, Daet, Camarines Norte.
Sa report pulisya ang nasabing operasyon ay isinagawa matapos magpanggap bilang poseur buyer ang isang operatiba ng pulisya kasama ang isang asset kung saan matagumpay silang nakabili mula sa suspek ng isang paketeng shabu na umabot sa tatlumpong libong piso (Php 30,000.00) ang halaga.
Matapos ang transaksyon, akmang huhulihin na ng mga otoridad ang suspek subalit nakatunog ito at biglang bumunot ng kanyang dala-dalang armas at mabilis na pinaputukan ang mga operatiba na naging dahilan naman ng pakikipagpalitan ng putok sa panig ng mga pulis na nagresulta sa pagkakabaril sa suspek.
Agad namang prinoseso ng tauhan ng SOCO at Provincial Crime Laboaratory Office ang pinangyarihan ng krimen kung saan nakuha ang Isang Cal. 45 na baril na may tatak na COLT isang basyo ng bala at isang magazine na naglalaman ng tatlo pang bala;. Dalawang basyo ng bala para sa Cal. 9mm; Dalawang basyo ng bala para sa Cal. 45; Isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu; Isang pakete ng hinihinalang dahon ng marijuana; Perang nagkakahalaga ng Siyam na Libo Anim na raan at Apatnapu’t Limang Piso (Php9,645.00;) at Isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu; Isang piraso ng limandaang piso (Php500.00); dalawampu’t siyam na piraso ng pekeng isang libong piso at isang piraso ng pekeng limang daan piso bilang boodle money na narekober sa katawan ng suspek.
Ang pagkakalap, imbentaryo at pagmarka ng mga nakumpiskang ebidensya ay isinagawa sa presensya ng mga “mandatory witnesses” para sa kaukulang disposisyon
