Drug den sa bayan ng Pikit nabuwag, lima katao huli!

LIMA katao ang nadakip kamakalawa ng gabi ng mga operatiba ng PDEA Cotabato Provincial Office, 90IB Philippine Army at Pikit MPS sa isang buybust operation sa bayan.

Nakilala ang mga suspek na sina Vicente Sambo y Pacheco, 38 anyos na sinasabing may-ari ng drug den, kapatid nitong si Mark Sambo y Pacheco, 33 anyos, John Melchor Pacheco y Coleta, 35, Robert Louise Pacheco y Cadalso, 19, at Ryan Layna y Dela Serna, 28 na pawang mga residente ng Barangay Poblacion ng bayan ng Pikit, North Cotabato.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Nasamsam sa limang suspek ang anim na maliliit at anim na medium sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng 102,000.00 pesos kasama ang ilang drug paraphernalia.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa kasalukuyan nasa kostudiya na ng PDEA-Region 12 ang nasabing mga suspek at mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act.# 9165.