Draymond Green ng Warriors, sinuspinde ng isang laro

Sinuspinde ng isang laro ng NBA ang forward ng Golden State Warriors na si Draymond Green dahil sa pagtapak sa dibdib ni Sacramento Kings center Domantas Sabonis sa Game 2 ng Western Conference first-round playoff series.

Read More:  Carlos Yulo to lead PH Gymnastics Team at World Championships

Ang insidente ay nangyari sa fourth quarter ng laro matapos bumagsak sa floor si Sabonis. Hinawakan niya ang kanang paa ni Green na nag-udok naman sa kanya para tadyakan ang kanyang dibdib.

Read More:  Carlos Yulo advances to vault, floor exercise finals at World Championships

Sumailalim na si Sabonis sa X-ray sa kanyang sternum.

Ang kasaysayan ng hindi umano pagiging sports ni Green ang naging dahilan para magdesisyon ang liga na suspendihin siya.//CA