Drayber ng motorsiklo patay matapos bumangga sa isang nakaparadang traysikel at bumangga pa sa isang sasakyan sa San Lorenzo Ruiz Camarines Norte

CAMARINES NORTE-  Patay ang isang 22 anyos na binata matapos na aksidente itong bumangga sa isang nakaparadang traysikel at bumangga pa sa isang sasakyan dakong 6:42 ng gabi nitong Hunyo 12, 2021 sa P-3, Brgy. Mampurog, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte .

Ang biktima ay nakilalang si Jericho Yaba Y Rodriguez,  residente ng P4, Brgy, Bibirao, bayan ng Daet, drayber ng isang Honda Single Motorcycle Pinoy 125 na kulay pula.

Sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya, habang binabaybay ni Yaba ang daan mula Brgy. Matacong patungo sa bayan ng Daet nang aksidente itong bumangga sa sidecar ng isang Galvanize Tricycle na nakaparada sa gilid ng kalsada sa kaparehong direksyon na minamaneho ni Kgd. Roque Sical Y Macale, 39 taong gulang sakay ang isang pasahero nito na nasugatan na nakilalang si Prescilla Paguio Y Dela Cruz, 65 taong gulang at pawang mga residente ng P-3 Brgy. Mampurog, San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Matapos bumangga, nahulog sa motorsiklo ang biktima na naging dahilan ng  pagbangga muli nito sa bumper ng paparating na Toyota Hilux Pickup na kulay Gray na nagmumula sa kasalungat na direksyon at minamaneho ni Honorio Estrevez Y Fulgencio, 70 taong gulang at residente ng P3, Brgy. Mampurog, sa parehas na bayan.

Agad na tumawag ng tulong ang San Lorenzo MPS mula sa mga tauhan ng MDRRMO para sa agarang pagdala ng biktima sa pinakamalapit na ospital.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Dahil sa bilis ng pangyayari, ang nasabing insidente ay nagresulta sa pagkamatay ni Jericho Yaba Y Rodriguez matapos itong ideklarang dead on arrival ng nakatalagang doktor sa Camarines Norte Provincial Hospital alas 7 ng gabi.

Samantala, ang tatlong sasakyan na sangkot sa pangyayari pati na ang mga dokumento nito ay kasalukuyang nasa kustodiya ng  San Lorenzo Ruiz MPS .