Double pay, inaasahan ngayong araw

Inaasahan na ang double pay para sa mga empelyado na mas pipiliin na magtrabaho ngayong araw.

Sa isang advisory ay ipinaalala ng Department of Labor and Employment ang mga employers na regular holiday ang Bonifacio Day.

Dahil dito ay entitled sa extra pay ang lahat ng mga empelyado na magta-trabaho ngayong araw.

Read More:  Senate court sets hearings on Sara Duterte finances, aide’s testimony

Sa ilalim ng holiday pay rules, ay kailangan mabayaran ang mga empleyado ng 200 percent ng regulary salary nito para sa nasabing araw, kabilang na ang cost of living allowance (COLA) para sa unang walong oras ng trabaho.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Samantala, pwede naman matanggap ng mga empleyado ang kanilang regular daily wage kahit hindi sila magtrabaho ngayong holiday.

Inihayag naman ng DOLE na mabibigyan ng additional na 30 percent ng hourly rate ang mga empleyado na sosobra sa walong oras ang kanilang trabaho.