Nagiging consistent lang si Pangulong Bongbong Marcos sa ipinakikita nitong suporta sa PUV Modernization Program.
Ito ang sinabi ni Department of Transportation Usec. Andy Ortega kasunod ng naging mga pahayag ni Pangulong Marcos na nagbibigay suporta sa programa, at pagtabla naman sa Senate resolution na nananawagang suspendihin muna ang modernisasyon.
Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay Ortega, binigyang-diin nitong noon pa man ay sinasabi na ng presidente na tuloy ang PUVMP.
Samantala, nakahanda pa rin umano ang ahensya para sa libreng-sakay kung sakaling kailanganin.
Ito ay kasabay naman ng panibagong kilos-protesta na ikakasa ng MANIBELA sa susunod na linggo.