DOLE, umaasang maglalabas na rin ang ibang regional wage board para sa minimum wage hike

Umaasa si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na maglalabas ang iba pang regional wage board ng kautusan para sa minimum wage increase sa susunod na linggo.

Mababatid na ang daily minimum wage sa National Capital Region (NCR) ay tinaasan na ng P33, at mula P55 sa P110 naman sa Western Visayas.

Read More:  VP Sara Duterte posts bail after grave threats arrest warrant

Kaugnay nito, nagpasalamat si Bello na tumugon ang wage board sa panawagan na madaliin ang pagreview sa kasalukuyang minimum wage sa kani-kanilang mga rehiyon.

Read More:  Paolo Duterte challenges Palace claim over davao city’s P52.80-billion funds

Dahil sa naturang wage increase, ang minimum daily wage na ngayon sa Metro Manila ay P570, habang P450 sa private establishments na may mahigit 10 empleyado sa Western Visayas.