DOLE, planong magbigay ng 13th month benefit para sa mga empleyado ng kumpanya

Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment ang pagbibigay ng assistance para sa mga kumpanya na nahihirapang magbigay ng benepisyo sa kanilang mga empleyado.

Sa isang panayam, sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang tulong na ibibigay ay sa pamamagitan ng isang subsidiya.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Dagdag ng kalihim, ang assistance ay maaaring maging muling implementasyon ng interest-free loan facility ng Small Business Corp. (SB Corp.) na inilunsad noong nakaraang taon.

Tinitingnan umano ng ahensya kung bukas pa ang nasabing korporasyon, at pinag-aaralan ang status ng mga naunang natulungan.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Ayon sa DOLE, tinitingnan nila ang pagbibigay ng ganitong suporta alinsunod sa Presidential Decree (PD) 851, na nagsasabing makatatanggap ng 13th month benefit ang lahat empleyado ng private sectors mula sa kanilang mga kumpanyang pinagtatrabahuhan.