DOLE, nagbigay ng karagdagang 200 slots ng. tupad beneficiaries

Nagbigay ng karagdagang 200 slots ang Department of Labor and Employment para sa TUPAD program ng ahensiya sa Quezon, Isabela.

Ito ang inihayag ni DOLE Sec. Silvestre Bello III sa ginanap na TUPAD wage payout sa nasabing bayan.

Hinikayat din ni Sec. Bello ang publiko na suportahan ang proyekto ng pamahalaan habang pinangalanan naman nito ang mga OFW na makakatanggap ng 20,000 pesos cash assistance para sa kanilang pangkabuhayan.

Samantala, nasa 950 na TUPAD beneficiaries ang nakatanggap ng kanilang cash assistance at bigas sa nasabing aktibidad.

Kasabay nito ay nagkaroon din ng distribusyon ng 56 educational tablets sa mga benepisaryo ng The Last Mile School ng DepEd.

Habang ibinigay naman ni Gov. Rodito Albano III ang 1 milyong tseke sa alkalde ng bayan na nakalaan para sa Quezon Infirmary.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *