LEGAZPI CITY – Nagpalabas ng pahayag ang Department of Labor and Employment Region 5 may kinalaman sa ‘minimum wage’ ng mga empleyado sa rehiyong-bikol.
Base sa ipinalabas na impormasyon ng DOLE Bicol, ang minimum wage ay ang pinakamababang kabayaran na dapat ibinibigay ng mga employer sa kanilang mga empleyado para sa kanilang trabahong ginawa, kung saan ito ay hindi maaaring bawasan sa pamamagitan ng pinagsamang kasunduan o ng isang indibidwal na kontrata.
Dagdag pa rito, ayon sa RA 6727 o ang Wage Rationalization Act ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board V sa bawat rehiyon ang nagtatakda ng daily minimum wage rates sa pamamagitan ng Regional Wage Orders.
Samantala, matatandaan na nagsagawa ng ‘board meeting’ ang ahensya may kinalaman sa dagdag na pasahod sa mga empleyado at magsasagawa ulit pa ng ‘public hearing’ ngayong buwan may kinalaman sa ‘minimum wage adjustment’.