DOJ: Quiboloy – nasa Pinas pa

Naniniwala si Justice Assistant Secretary and spokesperson Atty. Mico Clavano na nasa Pilipinas pa rin si Apollo Quiboloy.

Ayon kay Clavano, walang record ang Bureau of Immigration (BI) na ang spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay nakaalis na ng bansa.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Kaugnay nito, mayroon na rin daw Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) para mabantayan kung lumabas ba ng bansa si Quiboloy.

Sa ngayon, wala pa umano silang natatanggap na impormasyon hinggil sa pag-alis ng akusado.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Mababatid na maliban sa sexual abuse cases, humaharap din ngayon si Quiboloy sa mga non-bailable charges sa human trafficking sa Pasig City Regional Trial Court (RTC).