DOJ, nais na mabasura ang kaso laban sa apat na Japanese

Nais ng Department of Justice (DOJ) na mabasura ang mga kaso laban sa apat na Japanese nationals, na sinasabing masterminds ng mga ilegal na aktibidad sa Japan, upang ma-facilitate umano ang kanilang deportation.

Ayon sa DOJ, hiniling na nila sa prosecution na i-dismiss ang mga kaso, dahil ang mga indibidwal na may pending na kaso sa Pilipinas ay hindi made-deport.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ayon kay DOJ spokesperson Mico Clavano, hiniling na rin ng Japanese government na ang apat na mga suspek ay madeport.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng Bureau of Immigration (BI) ang mga cellphones, laptops, at iba pang gadgets na nadiskubre sa detention facility sa Taguig.

Samantala, ang mga BI personnel na nagbabantay sa pasilidad ay sasailalim din sa imbestigasyon.