DOH, paiigtiingin ang anti-cholera efforts sa harap ng pagtaas ng local cases nito

Paiigtingin ng Department of Health (DOH) ang kanilang counter-measures laban sa cholera, matapos maitala ang 282% surge sa local cases.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, marami sila teams sa ground na tutugon sa kalukuyang cholera cases, habang pinaiigting ang surveillance at response systems sa buong bansa.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Batay sa DOH Epidemiology Bureau data surveillance, mayroon nang 5,860 na mga kaso ng cholera na napaulat mula Jan. 1 hanggang Nov. 26, 2022, na sumasalamin sa 282% increase mula sa 1,534 cholera cases na naitala sa kaparehong period noong 2021.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sa kabila nito, sinabi ng ahensya na walang local governments ang nag-anunsyo ng outbreak, dahil mahigpit umano ang kanilang treatment at preventive measures sa mga ospital para mapanatiling kontrolado ang mga kaso.

Samantala, mataas ng 0.8% ang case fatality ngayong taon sa 67 sa buong bansa, kumpara sa kaparehong period noong nakaraang taon.