DOH nakapagtala ng halos 1,500 na kaso ng HIV noong Enero

Halos 1,500 na kaso ng human immunodeficiency virus o HIV ang naitala ng Department of Health noong Enero.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, may kabuuang 1,454 na kaso ng HIV ang naitala noong Enero. Ang average na kaso bawat araw sa nasabing buwan ay nasa 46.

Read More:  ICC prosecution drops one incident from Duterte case

Tatlumpu’t siyam naman ang naitalang namatay dahil sa impeksyon sa HIV.

Sinabi ng DOH na ang mga rehiyon na may pinakamaraming bilang ng mga bagong naiulat na kaso ay mula sa National Capital Region (397), Calabarzon (233), Central Luzon (194), Central Visayas (94), at Western Visayas (91).

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sa kabuuang HIV infection noong Enero, 86 na kaso ay nasa edad 19 pababa, 79 na kaso ay mga kabataan na may edad 10 hanggang 19 habang pitong kaso ay mga bata na wala pang 10 taong gulang.//CA