Karagdagang 2,018 na mga kaso pa ng COVID-19 ang naitala ng Department of Health (DOH), dahilan para maiulat ang 13,818 pang active cases.
Ayon sa COVID-19 tracker ng DOH, ang naturang bagong infections ang nag-udyok para lalo pang madagdagan ang kabuoang caseload sa 3,718,467 sa buong bansa.
Kaugnay nito, nasa 3,644,009 na ang kabuoang bilang ng recoveries, habang 60,640 naman ang death toll.

Ang mga bagong kaso ay halos doble sa average number ng infections na naitala mula June 27 hanggang July 3 sa 1,057.
Samantala, batay sa tracker, lumalabas na mayroong kabuoang 17,651 na mga indibidwal ang nagpatest para sa COVID-19 mula noong July 9. //MHEL PACIA