DOH nagsagawa ng assessment sa 3 bayan sa Sorsogon re: Mt. Bulusan phreatic eruption

SORSOGON CITY–Binisita ng mga opisyal ng Department of Health (DOH) ang tatlong bayan sa Sorsogon na apektado ng muling pagbuga ng abo ng Bulkang Bulusan kahapon.
Ang team na pinangunahan mismo ni DOH Bicol Regional Director Ernie Vera kasabay si Sorsogon Provincial DOH Officer Dr. Gladys Escote ay nagsagawa ng assessment sa mga bayan ng Casiguran, Juban at Irosin.
Partikular na pinuntahan ng grupo ang tatlong evacuation center sa bayan ng Juban kabilang ang Juban evacuation center, Juban gymnasium at Tughan evacuation center kung saan namamalagi ang 105 pamilyang lumikas mula sa Barangay Puting Sapa.
Siniguro nila na natutugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga apektadong indibidwal gaya ng face mask, tubig at mga gamot.
Una nang naglatag ng health station ang DOH sa mga nasabing evacution center upang mamonitor ang kalagayan ng kalusugan ng mga evacuees.###

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting
Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City