DOH, inihayag na walang pang kumpirmadong kaso sa avian influenza sa tao sa Pilipinas

Inihayag ng Department of Health (DOH) na wala pang kumpirmadong kaso ng avian influenza sa tao sa Pilipinas, kasunod ng pagkakadetect nito sa ibang mga bansa.

Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, DOH Director IV ng Epidemiology Bureau, na ang bansa ay kasalukuyang nasa Stage 2 response plan, na ibig sabihin ang viral disease ay nadetect sa domestic birds.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Sa kabila na ibinunyag nito na may walong rehiyon na apektado ng avian influenza sa Pilipinas, ay hindi naman nito pinangalan ang naturang mga lugar.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Dagdag ni De Guzman, na ang Ilocos Sur at North Cotabato ay may napaulat na nagpapatuloy na mga kaso sa native na manok at pato.

Samantala, siyam na mga munisipalidad mula sa Camarines Sur, Davao del Sur, at Bataan ang nakarekober mula sa influenza.