DOH Camarines Norte pinaghahandaan na ang nationwide vaccination drive na nakatakda sa February 10- 11, nasa 24, 276 na indibidwal target na mabakunahan

CAMARINES NORTE- Naghahanda na ngayon ang Department of Health (DOH) sa lalawigan ng Camarines Norte para sa gagawing dalawang araw na pambansang bakunahan na magsisimula bukas, Pebrero 10.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet, sinabi ni DOH Provincial Officer Dr. Jocelyn Iraola na wala naman itong pagkakaiba sa mga naunang national vaccination days na ginawa noong huling bahagi ng 2021.

Nais umano ng DOH sa Camarines Norte na madagdagan ang naging accomplishment nito sa vaccination kumpara sa mga naunang Bayanihan Bakunahan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ani Iraola, sa pakakataong ito ay susuyurin umano ng DOH sa pamamagitan ng mga Local Government Unit ang mga hindi pa nababakunahan na kabilang sa priority groups gayundin ang mga edad 12 hanggang 17 anyos.

“Dito sa NVD (National Vaccination Days) susuyudin natin yung mga A1 and A2 plus yung 12- 17 yrs old, dagdag dun sa mga A2 to 3 na dati na nating nabakunahan, gusto talaga natin na masuyod sila at mabakunahan kasi dagdag protection ang bakuna para sa kanila,” ani Iraola.

Ngayong araw ay isasapinal umano ang plano para sa national vaccination days katuwang ang mga Municipal Health Office.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Ang mga bakunang available para sa dalawang araw na Bayanihan Bakunahan ay AstraZeneca, Sinovac, Moderna at Pfizer.

At sa unang pagkakataon ay mayroon ding darating na Sputnik V vaccine sa lalawigan na bitbit ng dalawang team mula sa Regional Office na tutulong sa vaccination drive.

Ayon sa DOH Bicol target na mabakunahan sa lalawigan ang nasa 24, 276 na indibidwal sa dalawang araw ng pambansang bakunahan.