DOH Bicol mamahagi ng hygiene kits sa mga naapektuhan ng mga residente matapos ang phreatic eruption ng MT. Bulusan sa Sorsogon

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Health (DOH) Bicol na mamamahagi sila ng hygiene kits at jerrt cans sa mga lugar na apektado ng ash falls sa lalawigan ng Sorsogon Pinangunahan ni Regional Director Dr. Ernie Vera, Dr Rosa Maria Rempillo ang chief local health support division, Provincial Doh officer ng sorsogon, Dr. Gladys Escote at iba pang opisyal sa nasabing distribution sa mga nagsipaglikas na nasa evacuation center.

Pinag iingat rin ang publiko sa nabanggit na lalawigan na maaaring magdulot ng pag-ulan ng abo o ash fall. Ang abo na ibinuga ng bulkang Bulusan sa Sorsogon ay naglalaman ng carbon dioxide at flourine na maaring magkaroon ng masamang epekto sa kalusugan ng tao na makalanghap nito.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Dapat protektahan ang sarili at sundin ang sumusunod na mga abiso.

1. Iwasan ang pagkalantad sa abong ibinuga ng bulkan.

2. Manatili sa loob ng kabahayan at isara ang mga pintuan at bintana.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

3. Panatilihing basa ang kapaligiran upang maiwasan ang pangangalikabok ng paligid.

Lagyan ng mamasa-masang kurtina ang bintana at pintuan.

4. Iwasang lumanghap ng hangin na may abo, gumamit ng salamin o “goggles”.

5. Panatilihin ang mga alagang hayop sa “closed shelters”. Alisin ang mga abo sa bubong ng bahay.

7. Alamin ang sitwasyon ng kalsada bago bumiyahe. Sumunod sa mga batas trapiko.