DND, umalma sa mungkahi ng China na bumalik sa bilateral approach kaugnay sa isyu sa WPS

Hindi pabor si Defense Sec. Gilberto Teodoro sa mungkahi ng China na bumalik na lang sa lumang mekanismo tulad ng bilateral approach para pag-usapan ang isyu sa West Philippine Sea.

Sinabi ng China na hindi na sila pabor na gamitin ang United Nation Convention on Law of the Sea o UNCLOS.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Iminungkahi nila na imbes na ang gamitin ay UNCLOS dapat ibalik na lang ang dating mekanismo kung saan ginagamit ang amicable settlement at bilateral talks bagay na tinutulan naman ng Pilipinas.

Samantala, nanindigan naman ang Pilipinas na ipagpapatuloy ng bansa ang multilateral approach gaya ng pagkasa ng maritime cooperation activity sa United States, Australia, at iba pang mga bansa.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Ayon sa Armed Forces of the Philippines patuloy rin ang pag-uusap sa ibang bansa na gustong sumali sa mga ginagawang joint patrol sa Pilipinas.