Tutol ang Department of National Defense sa hakbang na ilipat sa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines si Apollo Quiboloy.
Ipinaliwanag ng DND na ang mga pasilidad sa AFP ay may mahigpit na operational security protocols, kaya’t hindi angkop na ikustodiya ang mga suspek na may kasong kriminal.
Nauna nang sinabi ng abugado ni Quiboloy na si Atty. Israelito Torreon na nais nilang alisin sa PNP custodial facility sa Kampo Crame si Quiboloy.
Aniya, naghain na sila ng mosyon sa Korte para mailipat siya sa AFP custody.
Kung hindi naman, kahit daw masailalim si Quiboloy sa house arrest.