DMW, ikinokonsidera ang pagblacklist sa mga problematic recruitment agencies sa Kuwait

Ikinokonsidera ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagblacklist sa mga problematic recruitment agencies sa Kuwait, kasunod ng pagpatay sa overseas Filipino worker na si Julleebee Ranara.

Ayon kay DMW Secretary Susan “Toots” Ople, nakatakda nilang talakayin ang mga weaknesses sa bilateral labor agreement sa Kuwait kasama ang kanilang counterparts.

Sa harap nito, wala pa namang eksaktong petsa kung kailan mag-uusap ang dalawang panig.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Mababatid na naglabas na ang DMW ng kautusan para sa preventive suspension laban sa employer ng napatay na si Ranara.