Direk Paul Soriano, um-exit na sa Palasyo

Kinumpirma naman ng Presidential Communications na umalis na sa kanyang posisyon bilang Presidential Adviser para sa Creative Communications ang Film and TV Director na si Paul Soriano.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, nagpadala si Soriano ng resignation upang unahin ang mga personal commitments, kabilang na ang paggugol ng oras sa kanyang pamilya, lalong lalo na sa bago nitong silang na anak.

Sa ngayon, sinabi ni Garafil na wala pang replacement sa posisyong Presidential Adviser on Creative Communications

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Maalalang in-appoint si Soriano sa pwesto noong Oktubre 17, 2022.

Bago ito, una nang kinumpirma ni Senador Sonny Angara na wala nang koneksyon si Soriano sa Department of Tourism.

Ito ay kasabay ng deliberation ng Senado sa budget ng Office of the President sa proposed P5.768-trillion na national budget para sa taong 2024.

Napag-usapan si Soriano nang tanungin ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang tungkol sa advertisement na “We give the world our best” slogan na nag-feature sa isang Filipina nurse na unang na-administer ng COVID-19 vaccine sa UK.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Ani Angara, hindi OP ang nasa likod ng kampanya, kung ‘di ang Department of Tourism.

Binigyang-diin pa nito na ang pondong ginamit para sa naturang ad campaign ay tila hindi naman galing sa official funds.

Giit ni Pimentel, bakit tila wala namang interesadong alamin ang background information ng London ad campaign.

Tugon ni Angara – dahil nangyari iyon noong panahon pa ni Soriano, na ngayon ay hindi na bahagi ng tourism department.