Diokno: iprenesenta ni PBBM ang fundamentally sound na ekonomiya ng Pilipinas sa WEF

Inihayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ibinida umano ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa international community ng “fundamentally sound” na ekonomiya ng Pilipinas.

Ayon sa Presidential Communications Office, na batay kay Diokno ang partisipasyon ni Marcos sa 2023 World Economic Forum sa Davos, Switzerland ay “path-breaking.”

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Dagdag ng Finance secretary, na iprenesenta ng pangulo ang politically stable country, na may lider na popular na inihalal ng mayorya ng voting population, na may maayos na paglilipat ng kapangyarihan.

Sa naturang pulong, inihayag umano ni Marcos na inaasahan ng Pilipinas na magtatala ng seven-percent economic growth ngayong taon, na may malakas na macro-economic fundamentals na nakalatag.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Maliban dito, ipinakita pa ng punong ehekutibo na ang Pilipinas ay isang bansa na may malakas na suporta mula sa private sector partners, tulad sa nakita sa attendance at participation ng mga Filipino businessmen sa WEF.