SORSOGON CITY – Sinabi ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang mga Punong Barangays (PBs) ay magkakaroon ng mas pinaigting na papel upang matiyak ang pagsunod sa minimum public health standards (MPHS) at maiwasan ang mass gatherings na nagiging ‘super spreader events’ na humahantong sa Covid-19 transmission.
Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Julius Rodel Cal-Ortiz, ang head ng ahensya, sinabi nito na nakapaloob ito sa DILG Memorandum Circular 2021-058 na pagpapalakas ng puwersa ng Barangay sa paglaban sa COVID-19 na magpopokus sa mga social gatherings.

Dagdag pa nito na ang katotothanan aniya, sa mga paglabag sa MPHS at super spreader ay nangyayari sa mga barangay sa ilalim ng mga PBs.
Ang karagdagang tungkulin na ito ay magbibigay sa mga PBs ng extra leverage sa pulisya, sa kanilang ka-barangay upang makontra ang pagkalat ng ‘super spreader events na katulad ng pamamasyal at paglalaro sa mga parke at mga resorts, monitoring sa mga fiesta, mga iligal na sugal gaya ng tupada, mga ikinakasang parada, beauty contest, prusisyon at iba pang aktibidad sa barangay.