DILG Sec. Abalos, inihayag na ‘very good number’ ang 11 myembro ng pnp na hindi nagsumite ng kanilang courtesy resignation

LEGAZPI CITY – “Very good number”, ito ang inihayag ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos tungkol sa 11 sa mahigit 900 na mga kapulisan mula sa Philippine National Police (PNP) na hindi nagsumite ng kanilang courtesy resignation kaugnay ng isyung may ilang myembro ng PNP ang sangkot sa iligal na droga.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay Abalos, sa 953 na mga kapulisan at mga heneral ng PNP, 11 lamang dito ang hindi nagsumite at 8 naman mula sa 11 na ito ang mga retirees na maaaring dahilan ng kanilang hindi pagbibigay ng coutesy resignation na “understandable” naman umano.

Aniya, mahirap umano ang usaping ito ngunit sa kabila nito nais niyang pasalamatan ang mga kapulisang gumagawa ng kanilang tungkuling hulihin ang mga taong nasasangkot sa iligal na droga. Sinabi ni Abalos,  bilang isang tao, nahihirapan din siya sa kaniyang nararamdaman ukol dito sapagkat ito ay usapang drug syndicates at mas nakakaalarma para sa seguridad ng lahat.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business