DILG, naglatag ng ultimatum vs Cebu Gov. Garcia para bawiin ang pag-lift ng mask man

Nanindigan si Interior Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na hindi dapat sayanging ang dalawang taong pagbubuno ng gobyerno para mapuksa ang epekto ng pandemya ng COVID-19 sa bansa.

Ito ang iginiit ng opisyal sa gitna pa rin ng pag-lift ng mask mandate sa mga outdoor areas sa Lalawigan ng Cebu.

Nilatagan ni Diño ng ultimatum si Cebu Governor Gwen Garcia nang hanggang ngayong araw para bawiin na niya ang inisyung EO pati na rin ang ordinansang binuo ng Sangguniang Panlalawigan.

Read More:  NIA says it is prepared for El Niño impacts

Giit ni Diño, kung pagbabasehan ang national law ay hindi pa rin talaga maaaring alisin ang mandatory na pagsusuot ng face masks kahit na sa outdoor areas pa ito o sa mga lugar na hindi crowded.

Bago ito, una nang sinabi ng DILG official na hindi sila magdadalawang isip na i-apprehend ang mga mask violators sa Probinsiya.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, kamakalawa nang mag-isyu ng paglilinaw si Garcia.

Aniya, mandatory pa rin naman ang pagsusuot ng mga face masks lalo na sa mga closed at air-conditioned areas.

Ang ‘optional’ na bahagi lamang ng EO ay kung ang isang indibidwal ay nasa well-ventilated area; habang ‘highly-encouraged’ naman para sa mga crowded areas.
#