DILG chief bukas na ayusin ang ‘miscommunication’ kaugnay sa Cebu City face mask rule

Bukas si Interior Secretary Benhur Abalos na ayusin ang tila “miscommunication” sa optional na pag-gamit ng Cebu City ng anti-coronavirus masks.

Ayon kay Abalos, pumayag ‘in principle’ si Cebu City Mayor Michael Rama na ipagpaliban ang “non-obligatory” na pag-gamit ng face masks sa mga open areas sa kanilang lungsod,

Read More:  Rep. Edgar Erice urges Congress to scrutinize questionable 2027 budget

Pero noong Huwebes, nanindigan ang alkalde na mananatili umano ang naturang polisiya.

Para sa DILG chief, nagkaroon siguro ng miscommunication sa napag-usapan nila ni Rama hinggil sa naturang isyu.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Giit nito, ginagalang niya ang pahayag ng alkalde, at mananatili rin umanong bukas ang kanyang kumunikasyon para mabigyan ng pagkakataon ni Rama na ipaliwanag ang kanyang posisyon.