DILG: 24/7 vaccinations sa Metro Manila sa ECQ period, plano ipatupad

Posibleng ipatupad sa Metro Manila ang 24/7 vaccinations sa two-week enhanced community quarantine.

Ayon kaya Interior Secretary Eduardo Año, pabor siya sa naturang ideya upang mapabilis ang administration sa apat na milyong COVID-19 shots na una nang hiniling ng Metro Manila mayors para sa kanilang mga residente.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Sa katunayan, magdadagdag rin ng mga law enforcement officers sa vaccination sites para matiyak na maayos ang vaccination, kabilang na ang mga personnel mula sa Bureau of Fire Protection at standby ambulances.

Kaugnay nito, hindi na sinabi ni Año kung kailan ipapatupad ang 24/7 vaccinations, pero iginiit na ito ay kailangang magsimula sa lalong madaling panahon.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Samantala, ang pamahalaang lungsod ng Manila ay nanawagan na ng mga volunteer doctors, nurses, at iba pang health workers, at computer-literate college students na handang tumulong sa kanilang 24/7 vaccine drive. // MHEL PACIA-TRINIDAD