NAGA CITY- “Mas matindi pa sa ahas ang kamandag ng dikya” Ito ang lumabas sa isang pag-aaral ayon sa isang Biologist.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Dr. Sheldon Rey Boco ang Leader and co-founder ng The Philippine Jellyfish Stings Project, sinabi nitong minuto lang ay maaaring masawi ang kinapitan ng dikya. 20-30 minuto aniya posibleng hindi na kayanin ng katawan ang kamandag lalo pa kung bata. Pinapatay ang blood cells at napapatigil ang pagtibok ng puso. Sa ngayon, sinabi ni Boco na wala pang aprobadong antidote sa jelly fish sting subalit patuloy aniya itong pinag-aaralan ng sa Pilipinas, Australia at Amerika.
Ang pinaka rekomendadong first aid ng Department of Health at Philippine General Hospital ay paglalagay ng suka sa apektado ng area. Ngunit hindi aniya dapat patagalin bago dalhin sa pagamutan. Batid din ni Boco ang paggamit ng gasolina ng ilang mag nasa coastal areas subalit hindi aniya ito inirerekomenda, gayundin ang ihi na maaaring mas nakakapagpalala sa kondisyon.
Sa huli sinabi ng Biologist na ang mga opisyal ng bansa ay dapat na mag invest sa pag-aaral at paggagawa ng mga rekomendasyon nangsayun ay may pormal at sapat na kaalaman ang mga beach/ resort owners.
Ang pahayag ay kaugnayng pagkasawi ng 5-anyos at 7-anyos na batang babae sa Camarines Sud dahil sa box jellyfish.