‘If I have to kill..then so be it’
Ito ang naging pahayag ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa gagawing reinvestigation ng International Criminal Court (ICC) sa kaniyang kampanya laban sa iligal na droga.
Sa isang panayam, sinabi ni Duterte na malaking insulto sa bansa ang gagawing ICC probe.
Aniya, kailan pa raw naging krimen para sa isang head of state na bantaan ang mga kriminal.
Nanindigan si Duterte na handa siyang patayin kung sino man ang sisira sa kaniyang bansa.
Sabi pa ng dating pangulo, marami rin naman daw sa hanay ng pulis ang nalagay dahil sa kanyiang drug war.
Idiniin din niyang walang karapatan ang ICC na imbestigashan siya at tila’y ‘trouble’ lamang ang hinahanap nito kung magpupumilit sialng pumunta sa bansa, at magpatawag ng iba’t ibang mga government officials.
#
